
Linyang likha




Work of Fiction


Ang Katotohanan ng Buhay
Ang Buhay ay walang Patutunguhan
Lilinlangin ka nito sa nga katagang
"Habang may buhay, may pag-asa"
Maniwala ka,
Ang lahat dito'y sira na,
Hindi totoo na
"Maayos din ang lahat sa takdang oras".
Pakinggan mo ang kanilang sinasabi na
"Hindi lahat ay nagtatagumpay,"
Huwag kang maniwala na
May ligaya rin sa kabila ng paghihirap na nadarama
Sapagkat, Ito ang dapat mong malaman
Mahirap ang mundong iyong ginagalawan.
Huwag mong isipin na
"Ang mabuhay ang pinakamagandang nangyari sa'yo"
Dahil ang totoo
"Mas mabuti kung ikaw ay mamatay"
Hindi mo kailang sabihan ng
mabubulaklak na salita,
Hindi ito
Ang kailangan marinig ng iyong mga tainga:
Katotohanan ng Buhay
Ang Aking Alaga
"Masakit po ba?"
"Hindi, masarap"
"Matagal po ba?"
"Mabilis ba gusto mo?"
"Opo!"
"Teka, ilabas mo muna, tanggalin mo na 'yang suot mo"
"Sigurado po kayo?"
"Oo! Gusto mo mabilis 'di ba? Kaya't sumunod ka na lang!"
"Pero..."
"Gusto mo bang ako na lang mag tanggal niyan?"
"Ayaw ko po! Pero mabilis lang po ah, ayaw kong mahuli ni tatay, magagalit 'yon sa akin panigurado"
"Oh 'wag ka ng maarte, pinapatagal mo pa, alam ko namang sabik ka" "Hindi po ito masakit ah?"
"Oo, Puta ka! paulit-ulit, puro tanong!" "Galit ka na? Ayaw ko na po"
"Akala mo naman unang beses mo 'tong gagawin, bilis na"
Inilabas ko ang aking alaga, agad niya itong hinawakan at mabilis na itinali upang maipit.
"Oh ayan na bakla! Pwede pa na mag shorts, 'di na 'yan babakat"
"Thankyou mamshie! Bukas na lang uli"
Tanikala
Sa pagitan ng mga rehas, ang mga kamay na may tanikala ko lamang ang kasya. Sa loob ng ilang buwan ng pananatili ko sa aming tahanan, ang bulong ng pagbitaw sa hinahawakang piraso ng pag-asa ay patuloy na pumapasok sa aking isipan, ang mga kaganapan sa paligid ay patuloy akong dinadalaw sa panaginip. Ang tinig ng pighati ay tila nangingibabaw sa aking isip na hindi mawari kung ito ba ay akin. Mga larawang nagpapakita ng matagumpay na ako, kung sakaling bibitawan na ang buhay na ito.
Mag-iisang taon na rin mula ng makulong ako sa apat na sulok ng aming bahay, kung tutuusin ay napakanatural na nito sa akin sa kadahilanang hindi ko naman hilig ang pag-alis kung hindi kailangan ngunit sa matagal na panahon ng pananatili ko dito ay tila nakulong na rin ang aking isip. Sa simula ng quarantine ay naging mahirap sa akin ang magpatuloy sa paggawa ng mga naiwang requirements upang makumpleto ang taong panuruan na iyon sa kadahilanang ang bigat para sa akin na gumawa ng bagay na pang-eskuwelahan dito sa aming maliit na tahanan, ngunit gano'n pa man ay wala naman akong ibang pagpipilian. Matapos ang lahat ng iyon, ay tila naging normal na sa akin ang lahat, ngunit kalagitnaan ng panahon din na 'yon ay ang pagdagsa ng nakalulunod na problema, ang kakulangang pinansyal, ang problematic na ama, ang paulit-ulit na pangyayari at ang nakakabahalang laman ng mga balita ang sumakop sa aking isip. Nang maranasan ko ang mga iyon, ay tila nawalan ako ng ganang magpatuloy, hindi ko na makita pa ang dahilan upang mabuhay dahil paulit-ulit naman na lang ang nangyayari, nakakapagod at nakadaragdag lamang ng takot. Sa kabila ng mga problemang iyon ay siya namang pagdating ng aking masasabi bilang solusyon.
Ang pagdating ng aking alagang aso ay ang naging tulay upang maisalba ko ang aking sarili sa dilim ng aking isipan, ang patuloy na pagdidiskubre ko sa mga bagong bagay ay naging aking libangan, ang pagbibigay ko ng saloobing matagal kong kinikimkim sa aking pamilya ang nagpagaan ng aking damdamin, at higit sa lahat ang pakikinig ko ng bagong musika at ang mga tao sa likod nito ang muling nagbalik sa akin ng pag-asa. Palasak man kung sasabihin ngunit hindi ko inakalang ang mga simpleng bagay ang makakasalba sa akin sa mga panahong iyon, kaya't labis akong natutuwa at nagpapasalamat sa mga naging parte ng aking pag-ahon. Ang rehas na kumukulong sa aking isipan ay marahang naglaho, ang tanikalang gumagapos sa aking kamay ay kumawala. Naging malaya ang aking isip sa mga bagay na patuloy na kumukulong dito, patunay na ang lahat ay hindi natatapos sa dagsa ng problema, ang mga ito ang nagsilbing gabay upang mapagtanto ang mga bagay na makapagbibigay kagalakan at kaalaman sa akin.

Lines from somewhere that I keep




Golden Closet Film
concept originally from BTS
Series of picture taken by the author






Additional Photos (Not taken by me)




END
THANK YOU